By A Web Design Company

Nag-umento ng husto

  • PDF

Source" Tonite

Isa raw ang mga off-track betting stations sa labis na naapektuhan ng pagkawala ng karera tuwing Huwebes sa loob ng isang buwan.

Ito ang ibinalita sa amin ni Nicson Cruz, director ng OTBSAPI (samahan ng mga OTB's) kamakailan tungko sa labis daw na pagkawala ng malaking porseyento ng kanilang kinikita dahil sa nasabing pagkawala ng karera tuwing Huwebes.

Experimental na ipinatupad sa loob ng isang buwan lamang ang naturang  pagtatanggal ng karera upang matignan kung ito ba'y makakaapekto sa kalakaran sa industriya.

Idinagdag pa ni Nicson na karamihan daw sa kanilang mga miyembro ay disappointed sa pagkawala ng isang karera dahil malaking bagay daw ito sa kanila lalo pa't  sa araw lang ng karera sila nakakabawi sa kanilang mga negosyo.

***

Marami ang natulala sa mga unang tatlong karerang pinaglabanan noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Sa pagkapanalo ng pinakadehadong si Masaganang Ani ay marami kaagad ang nahulog sa kanilang mga kinauupuan. Hindi pa man sila nakakarecover ay sinundan na naman sila ng isa pang dehadong si Windy Wind sa ikatlong karera.

Kaya naman carry-over na kaagad ang winner-take-all na pinaglabanan nu'ng araw na yun.

"Pambihira, patI DD+1 carry-over! Ngayon lang uli yata ako nakakita niyan" ang nasambit ni Mr. Butch Ho ng Nimae's Place & OTB sa may Roosevelt Avenue, Quezon City.

Pati nga ang kanyang mga nakasamang sina Obet at Peter nu'ng gabing ay hindi rin makapaniwala sa mga nanalong kabayo na nagpadehado ng husto at nagpaganda ng mga dibidendo.

***

Antabayanan na natin ang paglabas ng mga matitinding lalahok sa darating na Triple Crown Series. Ito'y matapos na ipahayag ng Philracom ang pakarera nitong 2012 Philracom Chairman's Cup na open para sa mga local 3-year olds, ang mga tanging lalahok sa darating na serye.

Tumataginting na P1.2 million ang nakahandang ipamigay para sa magkakampeon sa karerang ito kaya naman tiyak na sa susunod na mga araw ay tiyak nang maglalabasan mula sa kanilang bakasyon ang mga top 3-year olds sa bansa.

***

Ilan sa mga kabayong medyo nakikitaan na ng galing ng ating "silip boy" ay itong sina Be Cool, Sweet Julianne, Custer, Dragon Cita, Golden Arazi at Northern Isabelle.

Idinagdag din niya na isa raw kabayong nag umento ng husto ay itong si China Star, na nanggaling pa sa Class Division I. Dahil sa malayong panalo noong Miyerkules, aakyat na ito sa Class Division 7 sa susunod niyang laban.