By A Web Design Company
Cheese Blanca, Ikel may patutunayan
- Tuesday, 21 February 2012
- Written by KaFer Taboy
Source: Balita
Maituturing na kabilang sa mga contender para sa nalalapit na 2012 Triple Crown Championship ang Cheese Blanca at Ikel matapos na kapwa magkampeon sa magkahiwalay na division sa katatapos na Amethyst II at III sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Sabado at Linggo.
Unang nagwagi ang 3-Year-Old Fillies na Cheese Blanca makaraang pakainin nang alikabok ang mga kalaban sa katatapos na Amethyst II (Sabado) sa patnubay ni jockey Jonathan B. Hernandez.
Walang kahirap-hirap na nilagpasan ng Cheese Balnca ang nangungunang Posse Left na alaga ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos matapos ang isang matulis an paremate ni jockey Hernandez.
Ang Cheese Blanca na alaga ni dating BIR Commissioner Sixto Esquivias ay nag-uwi ng premyong P300,000 at tropeo habang ang Abalos stable naman ay tumanggap ng P112,500 para sa pumangalawang Posse Left. P62,500 naman ang inilaan sa 3rd placer na alpha Alleanza habang P25,000 naman sa pumang-apat na Dancing Rags.
Naging magaan ang laban para sa nanalong Ikel sa pagkabigong makasali ang mahigpit na kalaban na Tribal King, dahilan upang iuwi ang unang premyong P300,000 sa 3-Year-Old Colts division ng Amethyst III.
Sa simula pa lang ng karera sa distansiyang 1,600 meters, naging kapana-panabik ang laban ng Cheese Blanca at Posse Left na siyang nagmando ng unahan hanggang sa huling 400 meters matapos ungusan sa huling kurbada ng karera.
Ang Amethyst races ang nagsilbing tune-up ng Cheese Blanca at Ikel upang patunayan na kaya nilang makipagsabayan sa iba pang Tirple Crown contender na kasalukuyang inihahanda pa,




