By A Web Design Company

Amethyst III Stakes

  • PDF

Source: Bulgar

May 12 karara ngayong Linggo. At tampok sa ating karera ang Amethyst III stakes ng Philippine Racing Commission. may limang kabayo ang kalahok rito na mag-aagawan sa P500,000 unang premyo.

Ang mga kalahok rito ay sina King Ramfire ni R.G. Fernandez, Coterminous ni M.A. Alvarez, Steel Creation ni Pat Dilema, Ikel ni A.B. Alcasid Jr. at Tribal King ni J.B. Guce, kursunada si Ikel.

At narito ang ating mga kursunada. Rito sa unang karera ay kay Anna Divine ni K.B. Abobo at ang pamalit ay si Golden Hue ni E.I. Blancaflor.. Sa ikalawa ay kay Para Sa Amin ni R.H. Silva at pamalit si Flying Hope ni Val Dilema.

Dito sa ikatlo ay kay Manager Francis ni JPA Guce at ang pamalit ay si Elusive Cat ni Pat Dilema. Sa ika-5 ay dito kay Obitron ni A.A. Rivera at ang pamalit ay si Grand Sensation ni K.E. Malapira

Pagpihit natin sa likuran ng line-up ay dito kay Mr. Environment at pamalit natin si My Jopeng, Sa ika-7 ay dito kay Lady Galore ni M.A. Alvarez at ang pamalit ay si Sweet Jullianne ni J.B. Hernandez.

Dito sa ika-8 ay kay Hurricane Alley ni E.L. Blancaflor at ang pamalit ay si Armoury ni A.R. Villegas. Sa Ating ika-9 na karera ay dito kay Waldy's Fury na papatungan ni C.B. Raquel at ang ating pamalit ay si Dugo's Favortie ni A.P. Asuncion.

Class division-2 na itong ating ika-10 karera na may walong entries. ang mga tatakbo ay sina Dark Hero, Flight On Time, Sharp Eye, Bagong Barrio, Exotic Flavor, Paminsan minsan, Limbo's Pet at Muscovado, Kursunada si Sharp eye.

Dito naman tayo sa ating penultimate card na isang class division-3. Ang mga paparada ay sina Supreme Leader, Eternity, Masaganang Ani, Princess Angelica, May Bukas Pa, Golden Pyramid, Road Master at Gold Mine. Kursunada si Supreme Leader.

At class division-1 naman itong ating panhuling karera na may 11 runners. ang mga matatayan ay sina Bright Jade, Holy Trish, Dragon May, Windy Firenze, Playmaker, Last Hazm, big Apo, True Enough, Smart and Noble, Speed Bullet at Veinte Cuatro Oras, Kay Dragon May.