By A Web Design Company

Cheese Blanca

  • PDF

Source" Bulgar

Kampeon sa ating Amethyst II Stakes Race ng Philracom si Cheese Blanca na penaremate ni J.B. Hernandez nitong Sabado ng Hapon. Mga ilang metro na lamang ang layo sa meta ay nakuha niyang lampasan ang isa sa mga dehado na si Posse Left. Tersero si Time to Shine Daw at Daning Rags.

Nagkaroon din tayo ng one-winner sa ating winner-take-all. Ito ay naganap sa ikalawang set na ang dividendo ay umabot  ng P975,974. Sa unang set ay P14,006 ang siyang naging pabuya. sa pick six ay P127,505 samantalang sa pick five ay P19,843.

Ang matinding dehadong nagwagi ay itong si Flight Attendant na ginabayan ni J.B. Guce. Tinalo niya si Wolf Run sa rektahan at maging si Unopposed. Pang-apat lamang dito ang sobrang naliyamadong si Touch Of Class.

Dehado rin itong si Inner Class sa sinundang karera. At ito ang dahilan ng paglobo ng ating devidendo. Nakaungos si Inner Class ni Pat Dilema sa nangunguna nang s My Keys mga ilang dipa na lamang sa meta. Tersero rito ang paboritong  si Pleasure Giver bago si Some Like It Hot.

Nagsimula ang ating karera sa panalo ng paboritong si Chevrome sa isang three-year-old maiden-2. Pumangalawa sa kanya si Got To Know bago sina Best Guys at Major Credit. Pasok din sa super six sina Louie Alexa at Britney's Glory.

Sa isa pang three-year-old maiden ay hungando na pinatakbo ni J.B. Guce. Dumating sa ikalawang puwesto na masyadong malayo si shoemaker ni A.I. Reyes bago sina Graceful Nonour at Crazy For You.

Dito naman sa Animo Cup-V race ay si Gale Force ang siyang naiparemate ni Pat Dilema. Deadheat tayo sa second at third placer sa pagitan nina Fireworks ni J.B. Hernandez at Smarty Ryan ni V.M. Camanero, Jr.

Nakapagpasikat din ang isa sa entry ni Hermie Esguerra na si Mr. Tatler sa Archer's 87 Cup na sinalihan ng isa pang three-year-old horse. Pumangalawa sa kanya si Top Meat ni R.G. Fernandez bago sina Lola Carra At Viva Andres.

Ang iba pang nagsipanalo ay sina Kiss Me ni A.F. Sullano at umulit ulit si Sullano sa ibabaw ni ni Joy Joy Joy. Sa huling karera ay si Europa ni E.G. Reyes ang siyang nagwagi. Segundo rito si Devoted Minstreal bago si Sing A Song.