By A Web Design Company
Balikatan sa Amethyst III Stakes
- Tuesday, 21 February 2012
- Written by Andy Sevilla
Source: Tonite
Isang matinding prep race para sa mga 3-year-old colts ang mapapanood mamatang hapon sa gaganaping 2012 Philracom amethyst III Stakes sa San Lazaro Leisure & Business Park.
Lima ang kalahok sa karerang ito na may nakahandang kabuuang papremyong P500,000 kung saan ang magkakampeon ay mag-uuei ng pangunang premyong P300,00.
Ang mga maglalaban ay kinabibilangan nina: King Ramfire - Deo Fernandez ni Conrado Ong; Coterminous -Mark Alvarez ni Ruben Dimacuha; Steel Creation - Pati Dilema ni Pierre Niles III; Ikel - Antonio Alcasid, Jr. ni Leonardo Javier Jr; at Tribal King - Jesse Guce ni Engr. Ed Parungao.
Ang distansya ng karerang ito'y 1,600 meters kung saan ang sesegundo'y magkakamit ng P112, 500, tersero'y P62,500 at quarto'y P25,000.
Inaasahang maglalabanan sa paka-llamado sa karerang ito sina King Ramfire, Steel Creation at Tribal King, Subalit binibigyan din naman ng equal chances sina Coterminous at Ikel para gumawa ng upse dito.
Samantala, pinaglalabanan pa kahapon ang isang matinding prep race para naman sa mga 3-year-old fillies sa ginanap na 2012 Philracom Amethyst II Stakes.
Siyam ang lumahok sa naturang 1,600-meter race at ito'y kinabibilangan nina: Dancing Rags, Elegant April, Alpha Alleanza, Time To Shine Dad, Neversaygoodbye, Possse Left, Amazing Migs, Mika Mika MIka, At Cheese Blanca.
May kabuuan ding P500,000 ang pinaglabanan sa naturang event na inisponsoran din ng Philippine Racing Commission.
Ang malalaking prep races na ito para sa matitinding 3-year-olds ngayon ay preparasyon para sa darating na Triple Crown Series ngayong taon.
Lahat ng mga top contenders ay binibigyan ng pagkakataong maglaban-laban at makakuha ng sapat na prize money para sa kanilang pagsali sa malaking serye para sa mga 3-year-olds na inisponsoran din ng Philracom.
Labing-apat na participants lamang ang pinasasali sa isang leg kung kaya't sakaling dumami sa 14 ang kalahok, idinaan ito sa pataasan ng mga nakuhang prize money ngayong taon at ang papasok ay yun lamang 14 na may mataas na nakuha.




