By A Web Design Company
Philracom aayusin ang karera sa bansa
- Tuesday, 21 February 2012
- Written by Edgar Mendez
Source" Taliba
Nangako si Philracom Chairman Angel Castano na aayusin niya ang industriya ng karera sa bansa.
Sinimulan niya ang programa sa pagpapaimbestiga sa nangyaring 'false-start' sa ikatlong karera noong Miyerkules (Pebrero 15) na nagresulta sa pagkansela ng natrurang karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Napag-alaman na hindi gumana ang nakakabit na alarma sa may 'finish line' na nagbibigay hudyat sa mga hinete na may nangyaring 'false-start' upang rendahang tumigil ang sakay ng kabayo at bumalik sa 'starting gate'.
Kung sakaling totoo ang ulat na ito ay hindi umano dapat palagpasin ang naturang kapabayaan.
Personal na umano niyang pamamahalaan ang iba pang makabagong pamamaraan at paglalagay ng makabagong aparato upang lalong mapabuti ang serbisyo ng dalawang karerahan sa bansa at lalong mapalakas ang larangan ng pustahan.
At magdaragdag pa ang Philracom ng mas maraming malalaking karerang para lalong mapasigla ang industriya at makahikayat ng mga bagong investor na interesadong makasali rito.
Kung tapat si Chairman Castano sa kanyang pangako ay malaki ang maitutulong nito sa industriya ng karera sa bansa.
***
Limang kabayo ang nakatakdang magsagupa sa 2012 Philracom Amethyst III ngayong Linggo sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite.
Lahat ng kalahok ay may malaking pag-asang maiuwi ang primero premyong P300,000.
Ang Tribal King at Ikel ang mag-aagawan sa larangan ng pustahan.
Samantalang ang natitirang tatlong kalahok na Steel Creation, Coterminous at King Ramfire ay pipiliting makagawa ng 'upset' o magtitiyaga na lamang sa nalalabing papremyong P112,500 pra sa ikalawang puwesto, P62,500 sa ikatlo at ang darating ng ikaapat ng puwesto ay tatanggap ng P25,000.
Nakalinyang bitawan ang naturang karera sa distansiyang 1,600-meter.
Susuporta ang nalalabing 11 karera sa maghapon na binubuo ng Class Division Groups races.
***
Ating isama sa inyong listahan ng napiling pustahan ang ilang kabayong maggan ang laban sa sasalihang grupo. Golden Hue (4) sa ungan karera, Manager Francis (4) sa ika 3, Tribal King (5) sa ika-4, Obitron (10) sa ika-5, Mr. Environment (3) sa ika-6 na karera , Lady Galore (11) sa Ika 7, Hurricane Alley (5) sa Ika 8, Waldy's Fury (2) sa ika-9, Muscovado sa ika-10 at Supreme Leader (1) sa ika 11 karera.




