By A Web Design Company
MJC Nagkalituhan
- Tuesday, 21 February 2012
- Written by Johnny Decena
Source: Tempo, Feb. 18, 2012
Holy Mackarel and I thought I've seen them all!
Sa pasimula ng weekly pakarera last Tuesday dito sa Sanlazaro ang tanging WTA event covering Races 1` to 7 ay nagbadyang may carry over na after the first three races kung saan nagwagi ang matinding dehadong Masaganang Ani, slight choice Ain't Misbehaving at mas malalim na longshot Windy Wind. Carry over ang Super Six sa races 1 and 3 at carry over pa rin ang DD Plus 1 covering races 1 to 3.
Nang manalo sa races 4 to 7 ang tambalang China Star, Penrith, Epira at dehadong Spyker respectively, ang 10 holders na naka-six points dito ay tumanggap pa ng consolation prize of P57,191.80 each samantalang ang WTA carry over ay nagkakahalagang P1,715,748.65
Idinagdag ito sa immediate succeeding WTA event which is last Wednesday kung saan nagkaroon ng di kanais-nais na kaganapan, to put it mildly, or whatever you might want to call it.
Nang bumukas ang aparato sa race 3 last Wednesday, may mga nauna at may mga nahuli or in other words di sabay-sabay na nakalabas ang mga kabayo forcing the management to cancel race. Binigyan ng 1 point lahat ng parating sa WTA at kaukulang dibidendo at refund sa ibat-ibang classic events.
To my humble opinion, dapat sanang pinatunog nila ang serena na naghuhudyat ng "false start" pagsapit ng mga kabayo sa tapat ng judges' stand fir the first time. Saglit na pagpahingahin ang mga kabayo at muling umpisahan ang labanan, Modesty aside, I've been in this "business" for a long, long time at ganito ang aking laging nasasaksihan kapag may false start. But then nangyaru na ang di dapat sanang mangyari.
"Held in Abeyance" ang dibidendo sa WTA dito na may dagdag na carry over amount of over P1.7 million. Tumawag ako sa MJC yesterday (Thursday) at tila pinag-aaralan pa kung ano ang angkop na pagbibigay premyo dito. Hopefully habang binabasa ninyo itong ating mga sabadong silip alam niyo na ang dibidendo.
Ang pick-6 covering races 3 to 8 sa araw na ito'y nagbigay ng P8,537.00 para sa holders ng 104 winning tickets at ang Pick-5 naman na may 70 winning tickets ay may premyong P8,928.20 each.
Meanwhile, longshot and come-from-behind Dona Nenita scored a stunning upset victory over 5 other entries in last Sunday's Amethyst I Stakes Race at the Santa Ana Park and earned the top prize of P300,000 for proud owner Don Antonio Floirendo, Sr.
Dona Nenita registered a time of 1 minute and 48.6 seconds for the seldom used 1,700-meter journey. Sumegundo rito ay ang 2nd choice Next Big Thing, 3rd and 3rd Pick Rain Shower while the top favorite Yes Pogi failed miserably at 4th place.




