By A Web Design Company

Hagdang Bato vs. Magna Carta

  • PDF

Source: Balita

Bukod sa malalaking pakarerang inaabangan na gaya ng Ambassador Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. Cup MARHO Racing festival at Juvenile Championship, kinasasabikan na rin ng publiko ang taunang Presidential Gold Cup.

Ang naturang karera na gaganapin sa Disyembre ay paglalabanan ng mga kampeon na lokal na mga kabayo sa bansa kung saan ay nakalaan ang malaking premyo na mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ngayon palang ay kinasasabikan na ng publikong karerista ang posibleng labanan ng mga kampeon na kabibilangan ng defending champion na Magna Carta, Triple Crown grandslam champion na Hagdang Bato, Humbles Riches at Sampaguita Stakes race winner na Steel Collection.

Higit na pinagtutuunan ng "Bayang Karerista" ang ipakikitang husay at record ng itinuturing na 'super horse' na Hagdand Bato.

Tiyak na magiging masaya ang pinakahihintay na karera dahil sa mga tagahanga ng Magna Carta at Hagdang Bato.

Nariyan din ang mga tagahanga ng Humbles Riches na inaasahang makadadagdag ng ingay sa apat na sulok ng karerahan.

Ngunit bago ang PGC, unang matutunghayan ang Cojuangco Cup na paglalabanan naman ng imported at lokal na mga mananakbo na susundan ng MARHO Festival sa Nobyembre.

Sa pagpasok ng Disyembre, nariyan din ang Juvenile championship na pagrarambulan ng mga sasabak sa 2013 Triple Crown Championship.