By A Web Design Company

Umpisa ng pakarera sa Metro Turf Club sa Batangas, naudlot

  • PDF

Source: Balita

Hindi matutuloy ngayon unang buwan ng 2013 ang napipintong pagbubukas ng bagong karerahang Metro Turf Club Inc. (MTCI) sa Malvar Batangas. Ito ang kinumpirma ni Philippine Racing Commission (Philracom) Executive Director Racing Director Engr. Jesus B. Cantos, matapos ipaabot ng pamunuan ni Malvar race track.

Ang nakatakdang pakarera sa Metro Turf ay hahatiin sa dalawang karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona at Santa Ana Park sa Naic na kapwang nasa Cavite.

Ngayon araw unang matutunghayan ang karera para sa taon sa bakuran ng Philippine Racing club Inc., ang tagapangasiwa ng Santa Ana Park.

Sabay na magaganap ang karera sa bukas, Enero 3, Biyernes (Enero 5) at Linggo (Enero 6) sa dalawang karerahan ng San Lazaro at Santa ana. Solo namang magaganap ang karera sa San Lazaro Leisure Park sa Enero 4.

Ang isang buwan na pakarera na dapat sana ay gaganapin sa Metro Turf na ibinigay ng Carmona at Naic race tracks ay dumaan sa konsultasyon sa lahat ng board at kinatawan ng mga horse owner organization at racing club upang maiwasan ang umano'y hinanakitan ng dalawang race club.

Sa unang pasabog ng Philracom para sa 2013, magaganap ang Mayor Nemesio Yabut Cup sa SLLP na magkahiwalay na paglalabanan ng 2 year old Colt at Fillies Division na tatawid sa 1,500 meters.