By A Web Design Company
Metro Manila Turf Club Inc., world-class racetrack sa Asia
- Wednesday, 23 January 2013
- Written by Balita Sports
Source: Balita Sports
Aarangkada sa Metro Turf, ang ikatlo at pinakabagong world-class racing faciliites sa bansa at sa Asia, ang unang week-long races sa susunod na buwan na kaakibat ang mga kapana-panabik at naglalakihang karera.
Nasa boundary ng Malvar at Tanauan, Batangas, ang Metro Turf (Metro Manila Turf Club Inc.) ay may 45-hectare first -class development na kumpleto ng makabagong racing facilities.
Ang karagdagang Metro Turf sa naunang dalawang racetracks ay tiyak na magpapalakas sa local horseracing industry at posibleng humikayat ng maraming local at foreign enthusiasts sa kasalukuyan.
Ang well-endowed racetrack, malapit sa majestic Mt. Makiling na magsisilbi bilang backdrop, ay may habang 1,525-meter at may tatlong chutes na umayon sa international standards.
Ang konstruksiyon ay pinangunahan ng internationally renowened Singaporean racetrack consultant at builder K.K. Kumar, halos namalagi sa bansa noong nakaraang taon upang personal na i-supervise ang kabuuang ng operasyon.
"This new racing facility can be compared to the best in the world today. This is also one of the best that I created so far and I am verty thankful to the owner for his all-out support throughout the entire construction of the racetrack. The local horsemen would surely be happy with it as it conforms to the international standards," saad ni Kumar, magbabalik sa bansa sa susunod na buwan upang pangunahan ang preparasyon sa pagsisimula at full-time racing sa racetrack.
Ang bagong racetrack ay produkto ng far-reaching vision ni Dr. Norberto Quisumbing Jr. upang masiguro ang tagumpay ng local horseracing industry.
Isang horseowner breeder at true-blue horse-lover nakikita ni Dr. Quisumbing ang pag-angat ng bansa bilang isa sa major racing center sa bahagi ng mundo sa hinaharap.
"Our rich history in horseracing and our great racing facilities today are the main reasons why we are nearing the level of some great racing countries here in Asia. It's about time that we should aspire in cathching up with our Asian racing neighbors such as Japan, HOngkong, and Singapore," giit pa nito.
Sinabi ni Dr. Quisumbing na ang kanayang nag-iisa ngunit malakingmisyon sa konstruksiyon ng pinakabagong racetrack ay, "to adopt the best racing policies, practices and systems in order to earn the goodwill, confidence and trust of the local and foreign racing community and the public."
May kabuuang 46-lighting posts, ang 39 ay nasa paligid ng oval at ang pito ay nakalagay sa Grandstand, na ginamitan ng makabagong technology ang nakakalat sa kabuuan ng racetrack para sa outstanding illumination sa gabi ng karea. Ang buong racetrack ay napapaligiran na ng ilaw sa loob ng 5 minuto kapag binuksan ito.
Sa gilid ng well-manicured racetrack ay ang newly-constructed Clubhouse at Grandstand.
Ang Clubhouse ay para sa private viewing ng mga inimbitahang guests at dignitaries na nasa gilid lamang ng Official's Booth habang ang adjoining Grandstand ay bukas sa publiko.
Mayroon din itong 24 cubicles para sa horseowners trainers at guests at para rin sa private use ng paying visitors ng gustong magsaya sa sariwa, malinis na hangin mula sa mga bundok at clear view ng racetrack.
Ang grandstand ay ginamitan ng maraming latest technology betting machines na isinilbi ng United Tote, ang leading gaming totalizator sa buong mundo, kasama na ang wide-screen LED televisions para sa viewing pleasure ng racing fans.
"One major feature of the racetrack is the slanted banking in every corner with no sharp curve at all so we can protect the horses. We have more then 200 horses now in training every morning here while many more are arriving to acclimatize in preparation for the start of racing here next month," ayon kay Metro Turf racing manager Rudy Prado ang respetadong hepe ng karera sa bansa sa mahabang panahon.
Idinagdag ni Prado na ang Saddling Paddock ay kumpleto at iba pang racing facilities na kahalintulad ng Jockey's quarter, Clinic, at Conference Room.
"Many horsemen have expressed their approval of our stables here. More than 600 stall have already been completed and many have already been occupied. There are several other phases of construction for the stabling area while other vacant lots in the perimeter have already been purchased by big owner who are already set to construct their own stables" paliwanag ni Prado.
Ang Metro Turf ay maaring puntahan mula sa main entrance sa Pres. J.P> Laurel Highway sa Malvar. Mula Manila, makakapunta ang lahat mula sa deretsong daan pagsapit sa South Luzon Expressway at eentra sa bagong 5-km highway patungo sa STAR tollway. Mula doon, puwedeng lumabas sa may Bulihan Toll at kumaliwa sa Montecer St. bago umikot pakaliwa uli sa Pres. J.P. Laurel Highway.




